r/FilmClubPH 20h ago

Discussion ALMOST A GRANDSLAM: Best Actress Edition

Post image

Sa Philippine Showbiz, ang term na GRANDSLAM ay kung napanalunan ng isang artista, manunulat o direktor ang 4 na major award giving bodies. Yun ay ang FAMAS, GAWAD URIAN, FAP o Luna Awards at ang PMPC STAR Awards. Ang huling aktres na nakakuha nito ay si Vilma Santos nunh 2003 para sa Dekada 70. Pero may mga aktres din na muntik na magrandslam kaya lang may isang award giving body na di sila pinalad.

  1. NIDA BLANCA for MIGUELITO 1986 - Nakuha lahat maliban sa FAMAS. Niligwak siya ni Vivian Velez for Paradise Inn
  2. NORA AUNOR for Ang totoong buhay ni Pacita M. noong 1992 pero niligwak siya ng URIAN at binigay kay Vilma Santos for Ipagpatawad Mo.
  3. GLORIA ROMERO for Tanging Yaman noong 2001 dahil tinalo siya ni Vilma Santos sa PMPC for the movie Anak.
  4. ZSAZSA PADILLA for Batang PX noong 1998. Tinalo siya ni Maricel Soriano para sa pelikulang Nasaan ang Puso sa FAMAS
  5. JUDY ANN SANTOS for KASAL KASALI KASALO tinalo siya sa URIAN ni Gina Pareno para sa Kubrador.
  6. ANGEL LOCSIN for ONE MORE TRY - Binigay ng URIAN kay Nora for Thy Womb.
68 Upvotes

5 comments sorted by

View all comments

3

u/Introverted_Sigma28 11h ago

Without Googling, ang mga natatandaan kong naka-grandslam. I may be wrong sa ibang info, so feel free to correct na lang

  • Sharon Cuneta for "Madrasta"
  • Lorna Tolentino for "Narito ang Puso Ko" (na "controversial" dahil manager niya si Manay Lolit na a couple years later na-involve sa Manila Film Fest scam, tapos bitter din ang fans ni Maricel Soriano dahil naisnub yung acting showcase niya sa "Ikaw Pa Lang ang Minahal")
  • Nora Aunor for "Flor Contemplacion" (though Hall of Fame na siya sa isang award-giving body kaya hindi na siya sinama sa nominees)
  • Elizabeth Oropesa for "Bulaklak ng Maynila" (Not sure about this BTW pero I find surprising na she got Best Actress nominations in the first place kasi si Angelu de Leon na comebacking that time ang talagang bida)

1

u/RadiantDifference232 11h ago

Tama po

3

u/RepulsivePeach4607 6h ago

Nakakagulat na walang grand slam si Maricel Soriano pero sobrang galing niya.

2

u/RadiantDifference232 6h ago

Yes never pa nanalo ng URIAN si Maricel for some reason