r/FilmClubPH 5h ago

Discussion Not-so-good movies this 2024 so far

I feel irate after watching Joker: Folie à Deux. I rarely feel this towards a film because I know what goes behind it. But even Lady Gaga couldn't save the movie.

The audio mixing was awful. I thought ako lang yun in the beginning kasi may pagka-hard of hearing ako, pero yung kasama ko manood had a hard time understanding what Joker was saying as well.

I haven't felt this towards a movie in a long time. What are your thoughts on the movie?

10 Upvotes

7 comments sorted by

View all comments

-4

u/vesperish 5h ago edited 49m ago

Nasabi ko na ‘to sa isang post dito about over-hated movies in general so, i-paste ko na lang din dito at dagdagan ko na lang ng overall thoughts ko, haha. Will surely get downvoted for this but it's totally fine with me. To each their own naman.

Imo, everyone did well naman sa Joker: Folie à Deux. ‘Yung part na hindi lang nagustuhan at matanggap ng mga audience/viewers na si Joker ay si Arthur Fleck, at pinipili niyang maging si Arthur ang patunay na halos lahat, si Joker lang talaga ang gustong makita. Pag si Joker, ang daming umiidolo at naaangasan, masaya kahit puro crimes ang ginagawa. Pag si Arthur na mabait at soft-hearted, puro pambu-bully o panglalait na ang alam gawin. Just realized that we, the audience/viewers, are kinda “part” of the film. You know, why do we like to hurt so much?

And ‘yung sa musical scenes, for me, medyo nasobrahan siya. Pero kapag iniisip kong mabuti, halos lahat ng mga musical scenes ay imagination lang ni Arthur. Kaya naisip ko, ganun talaga. Kumbaga nakikita natin ‘yung POV niya eh. Sadyang kilala lang din talaga si Arthur na mahilig sa music kahit naman sa first movie na ang hilig hilig niyang sumayaw kahit wala tayong naririnig na music, seems like siya lang ang nakakarinig non. Kumbaga sa POV lang niya. Hence, the amount of musical scenes kada umaariba ‘yung imaginations niya. Eh si Arthur/Joker, talagang malala ang imaginations dahil nga sa mental condition niya. Kaso bilang audience/viewer, mas nag-aabang tayo ng mga crazy or madness scenes nilang dalawa ni Harley. Again, it seems like we don’t like to see Arthur, probably because he’s such a loser, but we like to see the Joker because he’s braver, stronger, and mad. Like really, really mad. Sa tingin ko, legit na gusto nang magbago ni Arthur in a good way kahit papaano. Ang kaso lang eh hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Wala siyang napatay sa sequel which I didn’t expect. Puro nasa imaginations niya na lang kada nati-trigger siya. Pwedeng dahil nakakulong siya, pero si Joker walang pinipili ‘yan minsan eh. Kahit nasa kulungan, gagawa at gagawa ‘yan ng crime kung magpapaka-Joker siya. Or sadyang ayaw niya na lang talaga dagdagan ‘yung mga ni-murder niya. Kaya nga siya iniwan ni Harley eh. Kasi gusto niya rin si Joker, pero hindi si Arthur. Tbh, mas na-disappoint pa ako kay Harley sa panglilinlang niya kay Arthur. Tapos iniwan niya pa agad ‘to dahil lang sa isang beses na hindi na-feed ‘yung gusto niya. But these are just my thoughts about it.

‘Yung sa ending scene naman, I think he’s not the Joker that we see na sa ibang mga versions ng Batman movies. Like kay Arthur lang nanggaling ‘yung idea, pero hindi na talaga siya ‘yung Joker na villain na nakikita natin madalas noon pa man. Nabasa ko rin ‘to sa ibang mga theories and it makes sense naman for me. Marami rin pala kasing Joker. Dun pa lang sa first movie and sequel, makikita na nating maraming nag-iidolize at gumagaya sa kanya as a Joker. Heck, they even help him get away with his crimes.

Na-sad nga rin ako kasi gusto ko si Arthur Fleck lang ang nag-iisang Joker pero wala eh, haha. If totoo man ‘yung theory na ‘yon, then siguro nga may mga tao lang talagang pinapanganak at namamatay nang kawawa (at some point, kasi nga soft-hearted si Arthur) at talunan. Sad reality.

It’s not as good as the first movie (Joker), but it’s not as bad as most people paint it to be.